Linggo, Setyembre 30, 2012

Nakakatakot

Sa wakas, huling araw ko nang magsulat dito sa talaarawan sa blogger.com. Bukas October na.Malapit na matapos ang 1st semester. Grabe, alam mo ba nakita ko grado ko sa Philippine History. Nakakatakot! Hindi ko na sasabihin. Saka na lang. Kapag nakapagget-over na ako.

Alam mo rin ba, hindi ako nakapagpunta sa church. Sayang nga eh. Sobrang dami ng aming naging labahan this weekends. Grabe talaga, natatakot ako kasi baka magtampo na Siya sa akin. Last Sunday kasi hindi ako nakapunta sa kadahilanang tinapos ko yung pag-edit ng videos.

Hay! Hindi ko talaga alam kung bakit ako natatakot. 

Sabado, Setyembre 29, 2012

Media: Nakatutulong sa Tagumpay (Repleksyon)

Sa panahong ating tinatapakan sa kasalukuyang panahon, madalas na ating makikita sa mga advertisement at mga karatula sa mga poste ang patungkol sa paghahanap ng trabaho, na isi sa mga requirments ay dapat computer literate. 

Napag-isip-isip ko na kailangan din palang maexpose kami sa computer kahit papaano dahil ito ang magiging ugat ng aming tagumpay sa hinaharap.

Ngunit kahit malaki ang maitutulong nito, naobserbahan ko ay natutunan na hindi dapat sobra-sobra. Kung iyong babasahin ang aking mga ibang blog, nabanggitko na malaki din ang epekto nito sa kalusugan.

Kaya kapag gagamit tayo ng mga bagay na may kinalaman sa media, siguraduhin nating naayon ito sa ating mga sarili.

Naninibago

Alam mo ba, ang sakit ng ulo ko pagkagising ko ng siesta, ewan ko ba kung bakit. Pero sabi ni mama na baka init lang, kaya naligo ako. Pero hindi pa rin naalis ung sakit. Feeling ko nga kanina sa banyo na matutumba ako. Parang gusto kong magsuka, hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang sakit.

Sige, hindi ko pa kasi talaga kaya.

Biyernes, Setyembre 28, 2012

Media: Nakakatulong Para Sa Negosyo (Repleksyon)

Si Rigel, kaklase ko. Mahilig siya sa mga girly stuffs. Sa katunayan nga balak niyang gumawa ng onlilne shopping para sa kanyang simpleng negosyo. Kahit sa simpleng gawain, malaki rin ang naitutulong ng media. 

Ako nga kumikita rin ako online. Two dollars a month ang aking sweldo sa pag-click lang ng advertisement. Buti na lang mayroon nang ganitong negosyo para rin sa aming mga estudyante na magkaroon ng part time job.

Nakakapanghinayang

Nanghihinayang ako sa mga oras na lumipas. Ilang araw na walang klase pero hindi ko nagawa ang mga goal na nais kong gawin Nais kong makapagbasa  ng history lessons kaya lang lagi akong nakakaramdam ng antok. Sana matapos ko na ito.

Miyerkules, Setyembre 26, 2012

BONDING

Ang ganda ng Palaro kanina. Kahit natalo ang Titans sa Volleyball, nag-enjoy naman ako makasama si Tam at mga insan niya na manuod.

Martes, Setyembre 25, 2012

Nakakapagpahina ng Resistensya (Repleksyon)

Marami na talaga sa mga kabataan ang adik na sa computer. Kaya pala marami na sa kabataan sa ngayon na sobrang sakitin. Tulad na lang ni Kuya, sa halip na siya'y nasa labas para maglaro ng outdoor activities, mas pinili pa niyang magcomputer. Kaya tuloy laging nakakaramdam ng antok tuwing alas-dyes ng umaga.

Si ate naman, nanginginig na ang mga daliri kapag wala sa harap ng keyboard. Para bang mamatay kapag hindi nagcomputer sa isang araw.

Grabe na talaga ang henerasyon ngayon. Ikaw kaya, ipagpapatuloy mo pa ba ang araw-araw sa harap ng computer na ngayon ay alam mo ng may masamang epekto ito sa katawan?

PALARONG UPANG

Ngayon ipinagdiriwang ang PALARONG UPANG. Grabe, mas enjoy pa noon kaysa ngayon. Pero kahit papaano ay mukhang nagsasaya naman ang lahat dahil walang klase.

Feeling namin, nagpalaro kami sa CSI Lucao. hehehe.. Kasimas naenjoy ko doon nang pumunta kami nila Ivy sa WOF. SA halip na nasa loob kami ng campus ay nasa loob kami ng CSI para sa PALARONG UPANG. hahaha

Lunes, Setyembre 24, 2012

Nanghihina

Sobrang sakit ng ulo ko. Katatapos lang ng Filipino namin. Buti na lang dahil wala nang klase. Nahihilo na ako masyado. Sige ah, uwi na ako, Di ko pa talaga nababawi tuolg ko.

Ngiti Abot Tenga

Alam mo ba, ang saya ko ngayon. Hindi ko mapaliwanag kung bakit ako ganito. Siguro dahil natapos na rin yung documentary. Alam mo ba, pinagpuyatan namin yung editing of video sa bahay ni Tam. Grabe, ang saya talaga nun. Dalawang araw akong nasa bahay niya. Ang saya nun sa akin. Naalala mo ba nung kinausap kita kagabi, kararating ko pa lang dito yun sa Pangasinan. Pagod ako masyado kasi 3 oras lang tulog namin.

Kanina pala, ang sigla ng pakiramdam ko, hindi ko nga masabi  ang dahilan. Basta yun na iyon. Hehehe.

Siya nga pala, kailangan ko ng magbasa sa Filipino. Hanggang dito na lang ako.


Basta masaya ako :-)

Linggo, Setyembre 23, 2012

Bagsak!

Alam mo ba, masakit ang mata ko ngayon. Kauuwi ko pa lang dito sa Pangsinan. Galing akong Tarlac kasi nagpatulong ako kay Tam na mag-edit ng videos. Katatatapos lang nga namin. Alam mo, kailangan ko ng magpahinga, matutumba na ako. Bye!

Sabado, Setyembre 22, 2012

RUSH MODE

Kahit na maraming naging pagsabok ng araw na ito,nagpapasalamat pa rin ako kasi nasolusyunan din agad yung mga ibang problema.

Naging masaya rin ang araw na ito kasi ipinagdiwang ng kaibigan kong si Tam ang kanyang 18th birthday kasama ang ibang mga kamag-anak niya maging ang mga kaibigan. Syempre, isa na ako roon. Nakilala ko rin mga barkada niya dito sa kanilang lugar.

Hindi pa ako tapos gawin yung editing namin. Sana matapos ko na.

Oh siya, siguro inaantok ka na. Sige, tulog ka na. Ako na bahala dito.

Good night!

Biyernes, Setyembre 21, 2012

Pasyal

Nang kami ay tumungo sa Calasiao para tapusin ang aming documentary, kami ay inaabutan ng halos dalawang oras para hintayin si Vice Mayor sa naka-set  na appointment sa kanya. Ang dami rin kasing nakipag-appointment sa kanya kanina.

Matapos ng aming documentary, nanlibre ng ice cream si ate Gema sa 7eleven. Halos matagal kami sa 7eleven hanggang sa inabutan kami ng malakas na ulan.

Nabasa ako ng ulan. Pero kahit ganoon ang nangyari, naging masaya ang araw na ito. Dahil nakasama ko si Ana Mae sa pag-uwi patungo sa kanyang probinsya. Ngayon ako ay mag oovernight ako sa kanila para tulungan ako gawin ang aking proyekto.

Huwebes, Setyembre 20, 2012

Hindi Ako Magnanakaw!

Bakit ganoon? Kung sino pa yung mas nangongopya, sila pa yung nakakaangat sa iyo? Samantalang ikaw na nagreview at hindi ganoon kataas ang marka, ikaw pa yung lowest sa lahat?

Alam mo ba, nasasaktan ako ngayon kasi mababa nakuha ko sa P.E . Pero nagreview  naman ako..
 huhu :'-(

Miyerkules, Setyembre 19, 2012

Maluwang ang Paghinga

Tagumpay ang midterm exam. Tapos na rin sa wakas ang mga mabibigat na mga subject tulad ng sociology  at history. Alam mo, sa tingin ko mapapasa ko ang dalawang iyon kasi sisiw lang ang mga tanong sa test paper kanina. Ngayon, kailangan ko ng pagpahingain ang sarili ko kasi ilang gabi na rin ako puyat.

Sige hanggang dito na lang. Good night!

Martes, Setyembre 18, 2012

Adventure

Naging masaya ang araw na ito kasama ko ang mga kagrupo ko sa history subject para sa documentation. Pakiramdam ko kanina na para bang nararamdaman ko na ang aking magiging career bilang isang broadcast journalist. Init, pagod at gutom ang tiniis namin para lamang makamtam ang inaasam. Sobrang naenjoy ko ang paggawa ng documentary dahil nagkaroon ako ng bonding kina Glenda, Karl. Niko at Aljon. Sana mauulit iyong pangyayaring iyon.

Linggo, Setyembre 16, 2012

Gagalingan Ko!

Exam Week na. Buti na lang at gumaling na ako. Kung alam mo lang, puro revie ang ginawa ko. Panalangin natin na sana lahat tayo ay pumasa. Gusto ko talaga bumawi ngayong term kasi hindi ako satisfy noong nakaraang term sa mga grades ko.

Alam mo ba kahit sa bus nagrereview ako mula nang imulat ko ang aking mga mata. Sobrang ganado ako sa araw na ito. Ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng excitement para bang handa ako sa lahat.

Buti na lang pala at hindi punuan sa bus nung sumakay ako kasi kung mangyari man iyon, siguro hindi ako nakapagbasa ng maayos.

Oh siya, klase ko na. Sa susunod na tayo mag-usap. Bye!

Pinababago Ang Kaugalian (Repleksyon)

Sa pag-angat ng sibilisasyon ng ating bansa, kasabay din nito ang pagbabago ng ating kaugalian. Malaki ang naging kontribusyon ng sibilisasayong ito ang media. Sobra na nga ang pagbabago ng mga kabataan mula ng umngat ang media sa industriya.

Sabi ng ni Ivy na mahilig na nga raw ang mga kabataan sa pagsuot ng mga fashion style clothes kaysa barong at baro't saya. Mas nagiging mapusok na rin ang mga kabataan dahil sa panunuod ng mga love story na palabas. Nawawala na nga rin ang kaugaliang pagmamano sa matatanda. Mas pinili na nga ng henerasyong ito ang beso-beso.

Sobra akong sang-ayon sa sinabi niya. Hindi na talaga natin maibabalik ang nakaraan. Siguro mas mainam na lang na tanggapin ang kasalukuyang kinalakihan.

Saglit Lamang Ako!

Siya nga pala. Bakit wala ka sa dashboard ko nung Biyernes (September 14,2012)? Kaya tuloy aumawa ako ng panibagong blogspot:eiltsen.blogspot.com Tignan mo na lang diyan friend ah.

Alam mo kanina hindi man lang ako nakapunta sa church, baka magtampo sa akin si Lord. Pero sana hindi mangyari yun.....

Marami pa akong  gustong ikwento sa iyo kaya lang nagagalit na parents ko kasi may sakit pa ako lumalabas pa ng bahay para lang mag computer. Ilang minuto lang binigay nila sa aking palugit...

Sige Bye... Exam na this week!

Biyernes, Setyembre 14, 2012

Karamdaman

Nagsasakit pa rin ako. Pasesya na po kung di ako makapkwento sa iyo kasi halos nakahiga lang ako sa kama at tulog ng tulog. Sana makareview ako para sa midterm exam.

Miyerkules, Setyembre 12, 2012

Tagumpay

Matagumpay ang araw na ito. Sa 50 items na long quizz  sa Filipino, 8 nlang ang mali ko. Alam mo pinagpuyatan ko iyon. Sarap talagang mag-aral lalo na kapag pinaghihirapan kaysa sa iba na mahilig mangopya. Walang goal sa buhay niya. Sayang lang ang pinagpapaaral sa kanya ng mga magulang niya. Hind ko ba maiintindihan kung bakit maraming estudyante ang ganoon. Alam mo, ayaw ko na pag-usapan siya kasi di nagiging maganda pakiramdam ko. Oh, sige hanggang dito na lamang. May klase pa ako.

Anong Nangyayari?

Sa aking paglalakbay patungo sa unibersidad na aking kinabibilangan. Isang aroma ng oras at nagsisitawanang mga estudyante ang aking naabutan sa silid-aralan ng MSR. Tila ang bawat isa ay masaya sa kanya-kanyang mga gawain. Sa kaganapang iyon, aking naramdaman ang pagkahawang kanilang kintatayuan.


Sobrang saya para sa akin ang araw na ito. Tila hindi mapaliwang ang mga pangyayari sa aking buhay. Mula sa pagkagising sa umaga aking naramdaman ang pananabik pumasok sa paaralan. May pagbabagong naganap nsa aking sarili. Himdi ko lubusang maipaliwanag.

Masasabing excellent ang aking mga trabaho. Hanggang sa umabot ng aking last subject. Sobrang gumagana ang isipan ko habang long quizz. Wow! 30 out of 40 ang marka ko  sa history.

Bukas long quizz sa Filipino class, sana mataas makuha ko.


Martes, Setyembre 11, 2012

Mabuting Samaritano

Sobrang pagod ako sa buong araw. Ang dami kong ginawa sa school.

Sa aking paghakbang sa unang hagdan ng bus, ang aking sapatos ay nasira. Grabe hindi ko alam ang gagawin. Standing pa naman. Nang ako'y makakaupo na dahil may pasaherong bababa sa Binmaley, nakatabi ko sa upuan ang isang estudyante ng UPANG. Hindi ko siya kilala pero sobrang bait niya para tulungan ako. Sinamahan niya akong remedyuhan ang problema. Sa wakas, nasolve na rin. Hindi ako late sa Filipino subject.

Buti na lang dahil ginagawa ko ang aking journal sa Filipino. Nasurprise ako kanina sa sinabi ni Ma'am dahil hindi ko akalain na magchecheck siya ng journal. Nagpapasalamat ako dahil naintindihan ko ang mga Uri ng mga Tayutay. Sobrang nag-enjoy ako sa klase namin sa Filipino.

Nangangailangan din ako ng pera kanina dahil sa may importante akong gastusin. Buti na lang andiyan sila Pedz at Sarah para tulungan ako. Akala ko walang tutulong sa akin dahil pera ang involve sa usapan.

Sobra talaga ang pasasalamat ko sa Diyos dahil kahit papaano sa henerasyong ito ay may natitira pang mga mabubuting Samaritano


Lunes, Setyembre 10, 2012

Pagtitiis

Buti na lang at hindi ako late sa economics. Sobrang tagal kasi ang pagbabayad sa cashier. Yun bang gusto mo nang mainis at pagalitan yung taong nagmamanage. 

Pero buti na lang at naalala ko ang isang verse sa Bible patungkol sa self- control.

Sana sa lahat ng bagay ng gagawin ko ay maalala ko iyon.

Pasensya ka na ah kung wala ako sa mood makipag-usap kasi hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko. Sana maintindihan mo ako.

Sige, pagod na ako. Pahinga muna ako ah. Bye.

Linggo, Setyembre 9, 2012

Pagpapala

Bawat oras, minuto at segundo ay pagpapala. Kahit sabihin nilang, "Walang kwenta ka!". Andyan ka pa rin sa iyong kinatatayuan para lumaban at patunayang kaya mong lampasin ang bawat pagsubok.

Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nasagot na ang panalangin ko na magkaroon na ng pambayad ng matrikula pero yung pang - August pa lang. Kahit na ganoon ay patuloy ko pa rin ipapanalangin ang patungkol dito.

Kanina, habang nasa church ako, ang preach ni Ptr. Danny ay nakaka-bless. Kahit wala ako doon sa sitwasyon ng tinutukoy niyang mensahe ay sobra akong natuto. Kahit sa simpleng gawain lang ay pwede mong mamalayan na nagkakasala ka na.

Sana kahit na anumang katayuan ko sa buhay, magampanan ko pa ang tungkulin ng isang Kristiyano kahit sobrang hectic ang schedule sa school.

Sabado, Setyembre 8, 2012

Klasipikasyon

Hiniwalay ko ang puti sa de-color. Ang pambahay at pang-alis na mga damit. Matapos ko gawin yun ay aking binanlawan iyon at sinabon sa washing machine.

Halos tatlong oras na akong naglalaba at hindi ko pa rin natatapos sa sobrang dami. Hindi lang kasi iyon ang aking gawain, kailangan ko pang maglinis ng bahay. Kaya akin munang isinantabi ito at naglinis.

Ayan tapos na maglinis! Ipagpapatuloy ko na ang iniwang labahan. Hanggang sa ngayon, naglalaba pa ako. Sana matapos ko ito bago dumating ang panibagong araw. :-)

Sana ikaw din, tapusin mo din ang mga trabaho mo para sabay tayong magpunta sa simbahan bukas.

Biyernes, Setyembre 7, 2012

Simpleng Shooting

Naging masaya ang araw na ito. Pumunta kami sa Calasiao para gumawa ng documentary. Sayang nga at hindi pa namin nakapanayam si Mayor kanina kararating pa lang kasi niya galing ibang bansa.

Pero ang pagpunta namin doon ay hindi balewala dahil nagkaroon kami ng konting shooting na may kinalaman sa kasaysayan ng bayang iyon.

Nagpapsalamat ako sa Diyos dahil kahit hindi namin nagawa yung main goal ng grupo para makausap si Mayor, binigyan pa rin Niya kami ng role para maisagawa ang papel namin sa buhay.

Maganda at Masamang Dulot ng Media sa Kabataan (Repleksyon Part 2)

Pagdating naman sa masamang dulot nito, mas nagiging bayolente at natututong gumamit ng dahas maraming kabataan sa panahong ito. Maging ang inosenteng pag - iisip ay napapalitan ng maruming kaalaman.

Naalala ko ang aking high school life. Ang grupo ng mga kalalakihan sa klase namin noon ay may ugaling green minded. Marahil ito ay dahilan sa panunood nila ng mga phonographic film at maging ang pader ay sinusulatan ng mga malalaswang salita. Sobra din ang kanilang pagmumura na akala mo ay inaaway sila ng todo. Nawawala ang respetong kanilang dapat ibigay sa aming mga guro.

Malaki ng ang naitutulong ng media sa bawat tao ngunit kaakibat din nito ang kapalit na hindi inaasahan. Bilang isang kabataan, matuto dapat ang bawat isa sa paglimitado ng paggamit nito. Maaring hindi lamang respeto ang mawala sa atin maging ang kalusugan ay mamatay.

Maganda at Masamang Dulot ng Media sa mga Kabataan (Repleksyon Part 1)

Sa pagbilis ng pagiging sibilisado ng ating bansa, ganoon din ang bilis ng pagbabago ng bawat indibidwal. Sa halip na gumagamit tayo ng batya sa paglalaba ng ating mga kasuotan, washing machine lang ay solve na ang problema sa bawat kalyo ng ating mga kamay.

Pinapagaan nga nito ang ating mga gawain, ngunit sapat kaya ang mga paggamit ng panibagong teknolohiya para sa pag - unlad ng kamalayan?

Ayon sa aking nabasang sagot kay Anon sa wiki.answers.com sa tanong na "What are the advantages and disavantages of media to youth?" na malaki ang naidudulot nito sa kabataan lalong lalo na sa pag-aaral. Sinasang-ayonan ko ang sagot niya sapagkat bilang isang Mass Communication student, nakakatulong ito para mas maging epektibong estudyante ako at maihanda ang sarili sa kasalukuyan. Sa murang edad pa lamang ay natututo akong maging concern sa bawat sulok ng pangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

Sa panahon ngayon, hindi na uso ang magkaroon ng takdang-aralin sa pamamagitan ng pagsulat gamit ang ballpen at papel, mas nais pa ng karamihang guro na computerized ang mga ito para magmukhang presentable ang pagpasa.


Huwebes, Setyembre 6, 2012

Hawak Kamay

Sa paghawak ko ng ballpen during exam, naramdaman ko ang kaba sa aking dibdib. Alam mo kung bakit? Kasi nagkaroon kami ng chapter quizz sa Filipino. Sa totoo lang hindi ako nag-review, nagulat na lang nga ako na may pagsusulit.

Pagkatapos ng reporting agad sinabi ni Ma'am na maglabas ng papel. Grabe talaga naramdaman ko. Kaya pinikit ko ang aking mga mata sabay sabing "Lord, tulungan mo po ako". Nagpapasalamat ako kasi nakasagot ako sa unang part ng pagsusulit. Biglang kumabog muli ang aking dibdib sa pangalawang part ng quizz kasi wala akong maisagot. Nang sinabi ni Ma'am na 10 minutes, agad pumasok sa isipan ko ang mga ibang sagot. Wow  talaga ang pangyayaring iyon.

Ang sarap talagang makipaghawak kamay sa Diyos sapagkat mas ibang kasiyahan at kilig ang mararamdaman mo kapag Siya ang kasama. :-)

Miyerkules, Setyembre 5, 2012

Langit Ang Pakiramdam

Pakiramdam ko kanina na parang lumulutang ako sa hangin. Yung pakiramdam na lahat ng pinagdaraanan natin sa buhay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ay may solusyong kaakibat.

Habang nakasakay ako sa bus, damang-dama  ko ang pagpapalang ibinigay Niya sa akin. Hanggang sa puntong dumating ang oras bago magsimula ang aming sociology class. 

Lunch break nun at nakita kami nila Janjee at Jonas sa SP. Inimbita nila kaming umatend ng Bible Study. Sobrang nakaka-bless ang preaching ni kuya Archie. Ang paksa ay patungkol sa faith. Sobra rin ang pag - test  sa akin ni Lord, habang may quizz sa sociology. I still feel like in heaven. Kahit gaano kahirap ang long quizz, naniniwala ako na ipapasa Niya ako roon dahil sa aking pananampalataya at pagrereview ko kagabi.

Natutunan ko na faith without action is death. Kahit na gaano kalakas ang iyong pananampalataya, pero kung hindi ka gumagawa ng paraan para matamo ang iyong nais ay balewala.

Martes, Setyembre 4, 2012

Welga Na!

Sobrang saya namin ng mga kaklase ko kasi birhtday ni Sir Ogie. Naghanda kami ng espesyal na regalo para sa kanya. Nag-contribute kami para sa bibilihing cake sa Red Ribbon.

Sa kabila ng kasiyahang iyon, amin ding napag-usapan ang patungkol sa problemang aming pinagdaraanan during major subject - ang air condition sa MSR. Matagal na namin ni- rereport ito sa kinauukulan pero wala pa ring nangyayari. Sabi ni Sir Ogie na matagal nang inirereklamo ang patungkol dito pero hindi agad sila gumagawa ng aksyon. Kinausap na kami ni Sir Dean patungkol dito at ang desisyon nila ay lumipat kami sa ibang classroom. Ayaw namin mangyari iyon sapagkat tahanan na naming maituturing ang classroom na iyon. Mas mahihirapan kami kung ililipat sa ibang room sapagkat andun ang mga equipments ng mga Mass Comm Students.

Walang nangyaring aksyon sa ginawa ng dean na kausapin kami as a whole sa classroom. Kaya minabuti naming gumawa ng hakbang para hindi kami mapaalis sa MSR.

Ang Presidente ng aming klase ang siyang nakipag - usap sa dean's office para masolusyunan ang problema. Marami kaming mga prediksyon na maaaring mangyari kaya pinahandaan na namin iyon.

Sa kahihintay namin sa kanyang lumabas, agad namin siyang nilapitan at tinanong ang nagyari. Kami ay lubos na nagagalak sapagkat hindi kumontra si Sir Dean sa plano namin na kapag hindi niya kaya ay kami ang aaksyon na kausapin ang mga nakatataas sa awtoridad.

Kung nagtagumpay kami na makausap ang dean, sana ganun din ang administration office.

Lunes, Setyembre 3, 2012

Vacant Time

Excited akong pumasok kanina sa klase. Mas maaga pa nga akong dumating sa instuctor ko ng first subject. Late siyang dumating dahil may importanteng bagay siyang inasikaso. Feeling ko parang vacant time lang ang nagyari kasi 30 minutes lang ang na- consume na oras namin.

Sumunod sa subject kong iyon ang Economics. Wala kanina si Ma'am Grace dahil mayroon siyang lagnat. Matapos ang pag- sign ng attendance, agad kaming nagtungo sa Student Plaza para magkwentuhan habang hinihintay si Jenica, kaklaseng lagi kong kasamang kumain ng lunch, mula sa kanyang Filipino subject. Pagkatapos kumain ng lunch, hinintay namin ang sociology class ng 1:30pm.

Pagsapit ng 3pm, history class na. Akala ko wala si Ma'am Calaunan. Ang tagal niya kasing dumating. almost 15 minutes. Yun pala my meeting siya. Kaya panibagong vacant nanaman ang dumating. Parang pumasok lang ako para sa vacant time.

Linggo, Setyembre 2, 2012

Araw ng Diyos

Umaga nanaman. Panibagong pagsubok ulit ang aking tatahakin sa buhay.

Tumunog ang alarm clock ng 5am. Binalak ko kasing mag-review sa sociology pero di kinaya ng katawan kong bumangon kaya minabuti kong itulog ulit.

Tumunog ulit ang alarm clock ng 7am. Sabi ko "Yes, araw ulit ng Diyos". Excited akong bumangon at agad ginawa ang mga gawain sa bahay.

Matapos gawin ang mga iyon, ako ay nag - almusal at naligo. Sinuot ko ang aking Sunday Dress para sa Kanya dahil espesyal ang araw na ito para sa akin.

Nang makarating ako sa church kami ay nagsiawitan upang magbigay papuri sa Diyos. Naghandog Siya ng mensahe na  nararapat naming malaman. Bago makakinig ng mensahe, isinagawa muna namin ang Lord's Supper na kung saan isinisimbolo ang pagkaligtas sa atin ni Jesus Christ sa kasalanan.

Masyadong nakaka-bless ang preaching ni Ptr. Duel. Madami akong natutunang aral mula sa preaching niya. Madami na rin akong pagkukulang sa buhay Kristiyano. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos kasi kahit gaano man akong makasalanan, handa Niya akong patawarin at bigyan muli pagkakataon. Kahit ganun pa man, hindi Siya nagsasawang bigyan kami ng biyaya at gabay sa araw - araw.

Matapos ang worship service, i feel so complete.

Nakareview na ako sa sociology ng konti dahil iyon sa pagiging inspired ko mula sa Panginoon.

Sa araw na ito, masasabi ko lang sa iyo na mahalaga ang araw ng Diyos kasi sa dami ng mga pagsubok na ibinibigay Niya sa atin, nandiyan pa rin Siya sa tabi mo. Kaya huwag mong palampasin ang araw na ito para sa Kanya.

Sabado, Setyembre 1, 2012

Kumalma Ka!

"Ang sakit ng katawan ko, tila ako'y malalagutan na ng hininga."

Grabe talaga kaninang umaga. Akala ko babalik ang dati kong lagnat. Nang magising ako, sobrang sakit ng aking mata kasabay ang aking ulo at maging kalamnan. Di ko alam ang aking gagawin sapagkat kapag sinabi ko ito kay mama di niya ako papayagang pumunta sa shooting.  Kaya bumangon ako sa kama na tila walang  nangyari. Ginawa ko ang aking mga tungkulin sa bahay: naglaba, naglinis ng bahay at naalaga ng mga kapatid. Sobrang nabugbog ang aking katawan. Pero 10:30am na nun, kailangan ko ng mag-asikaso para sa shooting kasi 1pm ang umpisa.

Tiniis ko ang sakit,  habang nasa byahe. Sobrang init pa at ang tagal umalis ng bus.

Pagdating sa school, nag-practice muna kami ng steps para sa flashmob. Alam mo nag- enjoy ako at  nawala ang sakit na aking dinadala. Salamat sa Diyos sapagkat gumawa Siya ng paraan para maging mabuti ang aking kalagayan..

Sana nga sa pag uwi ko ngayon, maging okay ang lahat. Gabayan nawa Niya ako sa pag-uwi.

Oh siya, kailangan ko na umuwi. 9pm na, baka hinahanap na ako sa bahay.Mag- log out na rin ako. Malaki na kasi ang bill na babayaran ko.

Sige, gud night. God Bless  :-)